^

Bansa

Quiambao nagpaliwanag sa Stradcom issue

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mis-informed umano si Pangulong Noynoy Aquino sa mga isyu hinggil sa IT system ng LTO na Stradcom Corporation.

Ayon kay Stradcom president Cesar Quiambao, walang kinalaman ang kumpanya sa data ng sasakyan sa naganap na Manila Hostage Crisis at sa kahit anumang inputted data ng Land Transportation Office.

“First and foremost PNoy said that there are flaws in the data encoding of Stradcom. This is absolutely false, only LTO personnel can access and input data into the LTO IT system. Hence the motor vehicle report which PNoy was supposedly supplied with is not a Stradcom report but an LTO report. Stradcom put up the IT system, maintains the IT system in almost 250 sites nationwide but the actual  encoding of motor vehicle data, accessing of the system is done only by the LTO,” paglilinaw ni Quiambao.

Niliwanag din ni Quiambao na ang P1.3 bilyon utang ng  LTO sa Stradcom na ayaw bayaran ni Pa­ngulong Aquino at ni LTO Chief Virgie Torres ay gross amount at hindi nila tubo.

Anya may mga operational expenses, salaries at wages, capital expenditures, technological upgrades at iba pang pinagkakagastusan ang kumpanya para makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa publiko.

Sinabi ni Quiambao na tumaas ang kita ng LTO ng P15 bilyon kada taon dahil sa computerization program mula sa dating P1 bilyon kita kada taon ng LTO noong manual pa ang operasyon ng ahensiya o mano-mano.

Bukod dito napabilis din ang transaksiyon sa LTO na mula sa buwan na aabutin sa rehistro ng sasakyan ay umaabot lamang ng wala pang isang araw at ang issuance ng dri­vers license  ay 30 minuto lamang.

Bunsod umano nito, ang LTO ay ikaapat na sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan na may pinaka malaking kita dahil sa computerization at ito rin ay pinatunayan ng mga Regional Directors ng LTO batay sa kanilang experiensiya sa kanilang mga tanggapan.

CESAR QUIAMBAO

CHIEF VIRGIE TORRES

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

MANILA HOSTAGE CRISIS

PANGULONG NOYNOY AQUINO

QUIAMBAO

REGIONAL DIRECTORS

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with