^

Bansa

1M lagda vs K+12 lalarga

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Habang isinusulong ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang K+12 program ay nanga­ngalap naman ngayon ng isang milyong lagda ang isang bagong tatag na grupo para tutulan ang nasabing programa ng departamento.

Ayon kay Jessica Anoos, tagapagsalita ng grupong No to K+12 program, sinisimulan na nila ang pangangalap ng mga lagda ng mga magulang na ayaw sa dagdag na dalawang taon na pag-aaralan ng mga bata sa paaralan.

Sinabi ni Anoos, magpapahirap lamang sa mga mag-aaral at dagdag na gastusin para sa kanila ang K+12 program ng DepEd.

Aniya, sa oras na makumpleto nila ang isang milyong lagda ay isusumite nila ito sa tanggapan ni Education Secretary Armin Luistro para ipabatid na hindi pabor ang maraming magulang sa nasabing programa.

Inihayag ni Anoos, ang dapat umanong gawin ng gobyerno at ang mismong tanggapan ni Secretary Luistro ay solusyunan ang kakulangan ng mga silid aralan, guro, upuan, banyo at libro.

ANIYA

ANOOS

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

HABANG

INIHAYAG

JESSICA ANOOS

SECRETARY LUISTRO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with