^

Bansa

'Calamba 7' laya na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Lumaya na kahapon ang pitong aktibistang inaresto na nagprotesta habang nagtatalumpati si Pangulong Noynoy Aquino sa Calamba noong Rizal day.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Kabataan partylist sa QC, ang paglaya ng pitong militante ay matapos payagan ng Calamba court na magpiyansa ng kabuuang P12,000 sina Michael Jayson Moso,Catherine Gigantone, Ynik Ante, Bhen Aguihon, Ruffa Solano gayuundin sina Jeofrey Barreto at Rodel Radayos.

Ang mga militanteng ito ay tinaguriang “Calamba 7” at miyembro ng Kabataan at Anakpawis partylist groups na kinasuhan ng public disturbance.

Nakulong ang mga ito ng halos 59 na oras sa Calamba Police station bago nakapagpiyansa. Dapat sana ay P42,000 ang piyansa ng mga ito pero inaprubahan ng korte na maibaba sa P12,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan. Kung maidedeklarang guilty ng korte, ang mga ito ay maaaring makulong ng 6 na buwan hanggang tatlong taon.

BHEN AGUIHON

CALAMBA

CALAMBA POLICE

CATHERINE GIGANTONE

JEOFREY BARRETO

KABATAAN

MICHAEL JAYSON MOSO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

RODEL RADAYOS

RUFFA SOLANO

YNIK ANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with