^

Bansa

Bigas at monggo para sa mahihirap kinain ng mayor

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinarusahan ng Sandiganbayan si Leyte Mayor Arnold James Ysi­dro nang mapatunayang nagkasala kaugnay ng pagkain para sa pansariling gamit ang mga bigas at monggo na para sana sa programa ng gobyerno para sa mahihirap na mamamayan ng naturang bayan.

Sa desisyon ng 2nd division ng  anti-graft court, napatunayan na nagkasala si Ysidro sa kasong illegal use of public property nang gamitin nito sa pansarili ang apat na sako ng bigas na may halagang P3,280 at 16 kilo ng monggo na may halagang P616 .00.

Ang bigas at monggo ay nakalaan sa mahihirap na mamamayan ng bayan ng Leyte para sa supplemental feeding program sa ilalim ng Food for Work Program ng gobyerno noong 2001.

Kaya lang sa gina­wang ito ni Ysidro, pinagmumulta lamang ito ng korte ng P1,500 at maaari lamang itong makulong kung hindi babayaran ang naturang halaga.

BIGAS

KAYA

LEYTE

LEYTE MAYOR ARNOLD JAMES YSI

MONGGO

PARA

PINARUSAHAN

SANDIGANBAYAN

WORK PROGRAM

YSIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with