Bagyong Falcon naman ngayon pagkatapos ni Egay
MANILA, Philippines - Nang makalabas ng bansa si Egay ay si bagyong Falcon naman ngayon ang nakapasok sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Falcon ay namataan dakong 10:00 ng umaga kahapon sa layong 670 kilometro ng Silangan Borongan, Eastern Samar.
Ayon kay Boy Soriaga, weather observer ng PagAsa taglay ni Falcon ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito at kumikilos sa Kanluran Hilagangkanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras.
Ngayong Miyerkules si Falcon ay inaasahang nasa 440 kilometro ng Silangan ng Virac,Catanduanes at nasa layong 420 kilometro ng Silangan Hilagangsilangan ng Casiguran, Aurora sa Huwebes ng umaga at sa Biyernes ng umaga nasa 350 kilometro ito ng Silangan ng Basco Batanes.
Ayon pa kay Soriaga patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Kanluran bahagi ng Luzon, ilang bahagi ng Visaya at Mindanao dahil na rin sa epekto ng Hanging Habagat o South West Monsoon.
- Latest
- Trending