ROMBLON ,Philippines - Sisingilin na ng provincial government of Romblon ang mga telephone companies telecom ng kaukulang buwis matapos magpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan.
Ayon kay Vice Gov. Mel Madrid, pinagtibay na ang Resolution No. 05-2011-102 noong Mayo 23, 2011- “Requesting Smart Communications, Inc., Globe Telecommunications and Sun Celluar for a copy of its gross annual sales in the province of Romblon and demanding due payment of local tax applicable under the Local Government Code.”
Ginamit na batayan ng resolusyon ang Section 137 ng Local Government Code na nagsasaad na: “Notwithstanding any exemption granted by any law or other special laws, the province may impose a tax on business enjoying a franchise, at a rate not exceeding fifty percent (50%) of one percent (1%) of the gross annual receipts for the preceding calendar year based on the incoming receipt, or realized, within its territorial jurisdiction.”
Resolbado na ang pagtatalo sa pagitan ng mga LGU at telecom sa usaping ito mula nang magdesisyon ang Korte Suprema sa G.R. No. 155491 noon pang 2008 na pumapabor sa LGU ng Davao City.
Matagal nang nag-ooperate ang mga telecom sa lalawigan pero hindi pa sila nasisingil ng kanilang obligasyon na ngayon ay higit na nangangailangan ng karagdagang pondo.
Ang dagdag na kita mula sa mga repormang ito ay magiging dagdag na pondo sa edukasyon, particular sa Special Education Fund ng lalawigan.