Malunggay oil capsule para sa may diabetes at rayuma
MANILA, Philippines - Diabetic ka ba? O may rayuma? Isa lang ang kasagutan dito: ang mabisa at epektibong produkto na nalikha mula sa malunggay (Moringga Oleifera) dahil sa marami nitong naibibigay na tulong pangkalusugan.
Sa ilang pag-aaral dito at maging sa ibang bansa, napatunayan na ang malunggay ay nagbibigay ng mas maraming nutrients kumpara sa ibang prutas at gulay.
Lahat ng bahagi ng punong malunggay ay puwedeng kainin. Dito sa Pilipinas ang dahon nito ay ginagamit sa sabaw na mainam lalo na para sa mga nagpapasusong ina dahil sa paniniwalang ito’y mas nakakapagpagatas. Puwede ring patuyuin at dikdikin para maging food additive. Makatutulong ito sa mga bata na hindi mahilig kumain ng gulay.
Ang Llyods Laboratories ang gumawa ng Malunggay Life Oil capsules para sa Manila Nature’s Link Corp. Ang oil supply ay mula sa Orion Energy, na may pinakamalaking moringa plantation sa Pilipinas.
Puwede itong gamot sa diabetes, rayuma, sakit ng tiyan at panlaban sa makamandag na kagat. Ang malunggay ay may mga components na puwedeng antiseptic at may strong inflammatory agent na ginagamit din laban sa mga skin diseases.
Ayon kay Dr. Pons Batugal, long-time senior agricultural consultant ng Malaysia at ngayon ay aktibong senior consultant ng Department of Science and Technology (DOST), “malunggay, is indeed considered a Miracle Tree because of the healing and nutritional benefits that it can give. Most notable would be its possible contribution to the prevention or healing of the three most dreaded illnesses such as cancer, diabetes and hypertension.”
Ang Malunggay Life Oil ay available na sa Watsons at Mercury Drug outlets, South Star Drug, Century Chinese Drug Stores (SM Malls), Emmaflor, Shopwise, Rustan’s at Farmacia Peralta.
- Latest
- Trending