LTO chief balik-trabaho ngayon

MANILA, Philippines - Inanunsiyo kahapon ng Palasyo na ngayon [Martes] magbabalik sa kanyang trabaho si LTO chief Virginia Torres matapos itong boluntaryong magbakasyon ng 2-buwan.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ngayon (June 21) magbabalik sa kanyang trabaho si Assistant Secretary Torres.

Iginiit pa ni Valte, nire­rebyu pa rin ng Office of the President ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) ukol kay Torres.

Magugunita na inirekomenda ng DOJ na sampahan ng kaso si Torres at sibakin sa puwesto kaugnay sa isyu sa Stradcom.

Itinanggi naman ni outgoing DOTC Sec. Jose de Jesus na may kinalaman ang kanyang pagbibitiw sa DOTC sa muling pagbabalik ni Torres sa LTO.

Sinabi naman ni Torres, sa sandaling mapatunayan ng kanyang mga detractors ang kanyang sinasabing pagkakamali, ay siya mismo ang magbibitiw sa puwesto.

Show comments