^

Bansa

Lotto winner, oobligahing mamalato sa gobyerno

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Dapat mamalato sa pamahalaan ang sinumang mananalo ng grand prize sa lotto.

Ito ay base sa House Bill 4774 na inihain ni Quezon City Rep. Winnie Castelo, dapat na magbigay ng 20 porsiyentong buwis sa gobyerno ang mananalo sa lotto.  

Ipinaliwanag ni Castello ang 20 porsiyentong makukuha mula sa nanalo ay maaring gamitin ng pamahalaan na proyekto para  sa edukasyon at pabahay ng mahihirap na Filipino.

Layunin umano ng panukala na gawing institusyon ang pamamahagi ng mga lotto winners sa gobyerno  na karaniwan nang nag-uuwi ng milyon-milyong piso lalo na kapag isa lamang ang nanalo.

“Lotto draws gain for the government on one end, and the betting universe on the other, if an awesome amount of money is won. The winner takes home such bagful of money that is sure to improve his lot, and that of his extended family, close relatives and associates. Sometimes, the winner also shares the blessings with a small circle of private individuals only known to him,” ayon kay Castelo,na  vice chairpersons ng House committee on housing at urban development.

Giit pa ng kongresista, sa sandaling maisabatas ang nasabing panukala ay inaatasan ang Philippine Charity Sweepstakes na ipapatupad ang kautusan.  

vuukle comment

CASTELLO

CASTELO

DAPAT

GIIT

HOUSE BILL

IPINALIWANAG

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES

QUEZON CITY REP

WINNIE CASTELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with