Miriam hindi pakialamera kaya tumagal ng 40 years ang kasal

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na tumagal ng 40 taon ang pagsasama nila ng kaniyang mister na si Atty. Narciso  Santiago Jr. dahil hindi niya pinakikialam ang lahat ng kilos nito taliwas sa ginagawa ng mga ‘nagger’ na asawa.

Ayon kay Santiago na isang “free and liberated man” ang kaniyang asawa at hindi niya pinakikialaman kung saan ito nagpupunta sa gabi.

“My husband is completely free and liberated man...I don’t care where he goes at night, he doesn’t have to call me with his itinerary,” any Santiago.

Hindi rin umano sila palaging nagkikita at nagugulat siya kung gaano kagandang lalaki ang kaniyang mister kung nagkakasalubong sila sa corridor.

“We never see each other sometimes I am surprised that I married such a goodlooking because I hardly can see him eh sort of got surprised when we see each other in the corridor.  In other words, we don’t grit down each others’ neck,” sabi ni Miriam nang tanungin kung ano ang sekreto ng 40 taon pagsasama ng kaniyang mister.

Ipinagpapalagay din umano ni Santiago na naging tapat sa kanilang pagsasama ang kaniyang asawa na dati niyang ka-klase sa abogasiya.

“I just presume that he is just going to be loyal to his marriage vows.   And I have been extremely faithful to my husband, I never flirted with anybody, even abroad.  I have made very, very close friends, male and female abroad whenever I attend my post doctoral studies or my international conferences,” ani Santiago.

Kamakalawa ay ipinagdiwang ni Santiago ang ika-40 anibersaryo ng kaniyang kasal kung saan nagawa niyang pagsama-samahin ang mga mabibigat na pulitiko sa bansa kabilang sina Pangulong Benigno Aquino III, dating Pangulong Joseph Estrada, at dating Pangulong Gloria Arroyo.

Isa umano sa dahilan kung bakit ipinagdiwang niya ang anibersaryo ng kanilang kasal ay upang makasama niya sa pag­lalakad ang kaniyang tatlong apong babae pero hindi pinayagan sa Manila Cathedral na isama sa entourage ang mga batang wala pang limang taong gulang.

Show comments