Fun run/walk ng DepEd para kay Rizal tuloy kahit umuulan

MANILA, Philippines - Natuloy at naging ma­ta­gumpay ang idinaos na fun run/walk ng Department of Education (DepEd)  kaha­pon, para gunitain ang ika-150 taong kaarawan ng pambansang bayaning si Gat Jose Rizal.

Libu-libong tao ang ti­natayang lumahok sa se­lebrasyon na pinanguna-han ni Education Secretary Armin Luistro.

Layunin ng naturang selebrasyon na makalikom ng donasyong gamit at serbisyo para sa ikakabuti ng sitwasyon ng edukasyon sa bansa.

Ang fun run/walk sa National Capital Region ay ginanap sa Quirino Granstand sa Luneta, dakong alas-6:00 ng umaga, gayundin sa iba’t ibang panig ng bansa.

Show comments