MANILA, Philippines - Mas mahigpit na parusa at tinatayang kalahating milyon piso ang multa laban sa isang reckless driver lalo na sa nagmamaneho na nasa impluwensya ng alak o ipinagbabawal na gamot.
Sa House bill 4706 na inihain ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman, nakasaad ang mas malaking halaga para sa magiging resulta ng kamatayan ng biktima na sanhi ng disgrasya.
Paliwanag ni Pangandaman, sa ilalim ng “Article 2206 ng Civil Code, ang halaga ng damages na sanhi ng krimen o quasi-delict ay hanggang P3,000 hanggang sa panahon ng promulgation nito noong 1949 at hindi na ito naamyendahan at maging ang Korte Suprema umano sa kanilang desisyon ay napansin na ang nasabing halaga ay hindi sapat.
Sa datos ng PNP para sa taong 2006, mayroong 4,182 car accidents na sanhi ng kamalian ng driver at nagreresulta sa pagkawala ng buhay ng biktima at kawalan naman ng hustisya para sa mga sangkot sa aksidente.
Ang defendant bukod sa pagbabayad ng P500,000 bilang damages para sa pagkamatay ng biktima, ay dapat din sagutin ang pagkawala ng kita ng biktima.
Maari ring mag-demand pa ng moral damages ang asawa, descendants at ascendants ng naulila.