^

Bansa

P.5M multa sa reckless driver

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Mas mahigpit na parusa at tinatayang kalaha­ting milyon piso ang multa laban sa isang reckless driver lalo na sa nagmamaneho na nasa impluwensya ng alak o ipinagbabawal na gamot.

Sa House bill 4706 na inihain ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman, nakasaad ang mas malaking halaga para sa magiging resulta ng kamatayan ng biktima na sanhi ng disgrasya.

Paliwanag ni Pangandaman, sa ilalim ng “Article 2206 ng Civil Code, ang halaga ng damages na sanhi ng krimen o quasi-delict ay hanggang P3,000 hanggang sa panahon ng promulgation nito noong 1949 at hindi na ito naam­yendahan at maging ang Korte Suprema umano sa kanilang desisyon ay napansin na ang nasabing halaga ay hindi sapat.

Sa datos ng PNP para sa taong 2006, mayroong 4,182 car accidents na sanhi ng kamalian ng driver at nagreresulta sa pagkawala ng buhay ng biktima at kawalan naman ng hustisya para sa mga sangkot sa aksidente.

Ang defendant bukod sa pagbabayad ng P500,000 bilang dama­ges para sa pagkamatay ng biktima, ay dapat din sagutin ang pagkawala ng kita ng biktima.

Maari ring mag-de­mand pa ng moral da­mages ang asawa, descendants at ascendants ng naulila.

CIVIL CODE

KORTE SUPREMA

LANAO

MAARI

MOHAMMED HUSSEIN PANGANDAMAN

PALIWANAG

PANGANDAMAN

SA HOUSE

SHY

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with