MANILA, Philippines - Matatapos sa loob lamang ng apat na taon ang taun-taon na lamang na problema ng kakulangan sa silid aralan kung maglalaan lamang ng P11 bilyong budget ang gobyerno para rito.
Base sa pagtaya ni Senator Alan Peter Cayetano, kung gagastusan ng P500,000 ang 66,000 na silid aralan, mangangailangan ang administrasyon ni Pangulong Aquino ng P33 bilyon.
Kung hahatiin aniya sa tatlong taon ang P33 bilyon, aabutin lamang ng P11 bilyon ang dapat ilaan sa pagpapagawa ng 22,000 silid aralan taun-taon at sa loob lamang ng tatlong taon ay makukumpleto ang 66,000 kulang na classrooms.
Napuna ni Cayetano na lagi na lamang nagiging problema tuwing magbubukas ng klase ang kakulangan sa silid aralan at kung tutugunan ng gobyerno ang nasabing problema kaya itong matapos sa loob lamang ng tatlong taon.
Hindi aniya sapat ang paglalaan lamang ng P5 bilyon hanggang P7 bilyon taun-taon dahil hindi matatapos ang problema.