^

Bansa

P11B budget taun-taon solusyon sa 66,000 kakulangan sa silid aralan

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Matatapos sa loob lamang ng apat na taon ang taun-taon na lamang na problema ng kakula­ngan sa silid aralan kung maglalaan lamang ng P11 bilyong budget ang gobyerno para rito.

Base sa pagtaya ni Senator Alan Peter Caye­tano, kung gagastusan ng P500,000 ang 66,000 na silid aralan, manga­ngailangan ang admi­nistrasyon ni Pangulong Aquino ng P33 bilyon.

Kung hahatiin aniya sa tatlong taon ang P33 bilyon, aabutin lamang ng P11 bilyon ang dapat ilaan sa pagpapagawa ng 22,000 silid aralan taun-taon at sa loob lamang ng tatlong taon ay makukumpleto ang 66,000 kulang na classrooms.

Napuna ni Cayetano na lagi na lamang nagiging problema tuwing magbubukas ng klase ang kakulangan sa silid aralan at kung tutugunan ng gobyerno ang nasabing problema kaya itong matapos sa loob lamang ng tatlong taon.

Hindi aniya sapat ang paglalaan lamang ng P5 bilyon hanggang P7 bil­yon taun-taon dahil hindi matatapos ang problema.

ARALAN

BILYON

CAYETANO

LAMANG

MATATAPOS

NAPUNA

PANGULONG AQUINO

SENATOR ALAN PETER CAYE

SHY

TAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with