PNoy at GMA magtatagpo ngayon sa kasal ni Miriam

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Deputy Presidential spokesperson Abigal Valte na magiging gentleman si Pangulong Noynoy Aquino kapag nagkita sila ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo sa renewal ng kasal ni Senator Miriam Defensor-Santiago ngayong araw.

Ayon kay Valte, walang dapat ipag-alala ang sinuman kahit pa magkita sina Aquino at Arroyo dahil pinalaki namang gentleman ang Pangulo.

Bukod kina Aquino at Arroyo, kumbidado rin sa nasabing renewal ng kasal ni Santiago si da­ting Pangulong Joseph Estrada at iba pang mga bigating pulitiko.

Tanging si dating Pa­ngulong Fidel Ramos lamang ang hindi kinumbida ni Santiago sa hanay ng mga naging pangulo ng bansa.

Si Ramos ang nakalaban ni Santiago sa pagka-presidente noong 1992 presidential elections at naniniwala ang senadora na siya dapat ang naluklok sa posisyon kung hindi umano nagkaroon ng dayaan.

Tatayong best man ni Santiago si Pangulong Aquino samantala isa sa mga sponsors si Arroyo.

Show comments