MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng kriminal ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro si Donsol, Sorsogon Mayor Jerome Alcantara gayundin ang kanyang security aide na si Jerry Pedragoza matapos mapatunayang guilty sa paglabag sa Article 327 o malicious mischief na naging ugat ng pagkasira ng sasakyan ng isang Lalaine Cadag noong Oktubre 20, 2008.
Sa reklamo ni Cadag, sinabi nitong binaril ni Alcantara ang gulong at katawan ng kanyang van na nagresulta ng pagkasira ng kanyang sasakyan ng may halagang P12,000.
Kasama umano ni Cadag ang kanyang aide na tumulong sa naturang Mayor para barilin ang kanyang sasakyan.
Tumaas umano ang dugo ni Alcantara nang malaman na ang sasakyan ni Cadag ay lumabag sa ordinansa dito na nagbabawal sa mga operators na gamitin ang Jose Street at Bgy. Poso, Donsol bilang terminal para maghintay ng mga pasahero.
Sa resolusyon ng Ombudsman, ginamit umano ni Alcantara ang kamay nito sa halip na tumawag ng pulis para aksiyunan ang naturang problema.