^

Bansa

Mayor ng Sorsogon, aide pinakakasuhan ng Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng kriminal ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro si Donsol, Sorsogon Mayor Jerome Alcantara gayundin ang kanyang security aide na si Jerry Pedragoza matapos mapatuna­yang guilty sa paglabag sa Article 327 o malicious mischief na na­ging ugat ng pagkasira ng sasakyan ng isang Lalaine Cadag noong Oktubre 20, 2008.

Sa reklamo ni Cadag, sinabi nitong binaril ni Alcantara  ang gulong at katawan ng kanyang van na nagresulta ng pagkasira ng kanyang sasakyan ng may halagang P12,000.

Kasama umano ni Cadag ang kanyang aide na tumulong sa naturang Mayor para barilin ang kanyang sasakyan.

Tumaas umano ang dugo ni Alcantara nang malaman na ang sasakyan ni Cadag ay lumabag sa ordinansa dito na nagbabawal sa mga operators na gamitin ang Jose Street at Bgy. Poso, Donsol bilang terminal para maghintay ng mga pasahero.

Sa resolusyon ng Ombudsman, ginamit umano ni Alcantara ang kamay nito sa halip na tumawag ng pulis para aksiyunan ang naturang problema.

vuukle comment

ACTING OMBUDSMAN ORLANDO C

BGY

CADAG

CASIMIRO

DONSOL

JERRY PEDRAGOZA

JOSE STREET

KASAMA

LALAINE CADAG

SORSOGON MAYOR JEROME ALCANTARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with