Malunggay oil para sa mga beauty-conscious

MANILA, Philippines -  Kabilang sa mga basic regimen sa pangangalaga sa balat ang palagiang paghihilamos gamit ang isang maayos na cleanser, tamang exfoliation, paggamit ng moisturizer na akma sa uri ng balat at proteksyon mula sa init ng araw gamit ang sunscreen.

Pinapayuhan din ang mga tao na umiwas sa masyadong matamis na pangunahin din pinagmulan ng premature aging.

Ayon pa sa mga eksperto, ang paggamit ng food supplements para sa inyong skin care regimen ay makatutulong upang magkaroon ng malusog na balat.  

Ang Malunggay Life Oil ang best food supplement na mabibili na ngayon sa merkado at siguradong makatutulong ito para magkaroon ng malusog na balat.

Gawa ito sa 100% malunggay oil na mula sa piling-piling dahon ng  Moringa Oleifera,  na napatunayang mayaman sa Vitamin E at Vitamin A.

Ang Vitamin E ay Anti-oxidant na makatutulong para mamintina ang cell membranes, red blood cell integrity, maprotektahan ang Vitamin A at fatty acids mula sa oxidation.  Ang Vitamin A naman ay mahalaga para sa malusog na balat at nakatutulong din para labanan ang acne.

Ang Malunggay Life Oil ay available sa packs of 10s at 60s, sa lahat ng Mercury Drug outlets at iba pang drugstores nationwide.

Show comments