Libreng parking fee sa malls, ospital, hotels sa unang 3 oras
MANILA, Philippines - Hindi na kailangan magbayad ng parking fee sa mga private establishments ang mga may-ari ng mga sasakyan kapag pumarada sila sa parking area nito ng wala pang tatlong oras.
Ito ang inihaing House Bill 4535 ni Alagad party list Rep. Rodante Marcoleta, na naglalayong bigyan ng ‘free parking fee’ sa loob ng tatlong oras ang mga customers na pumupunta sa mga shopping malls, hospital, restaurant at hotels.
Ayon kay Marcoleta, hindi ipagbabawal ang parking fees kundi dapat bigyan sila ng sapat na panahon sa kanilang gagawin sa mga nasabing establisimiyento pero aniya kapag lumagpas sa tatlong oras ang parking nila ay saka sila dapat magbayad.
“The provision of parking facilities and spaces is a basic amenity that consumers expect and even progressive and reputable business establishments will not survive competition without providing parking facilities,” sabi ni Marcoleta.
Sa kanyang panukala, ipagbabawal sa mga business establishments tulad ng shopping malls, schools, hospitals, at hotels ang pagkolekta ng parking fees sa unang tatlong oras na pagparada ng kanilang sasakyan.
Nakasaad din sa panukala ni Marcoleta, na ang mga customers na bumili o gumasta ng P1,000 pataas sa nasabing establisimiyento ay makakakuha ng 10% parking fee rebate.
- Latest
- Trending