MANILA, Philippines - Napikon si Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres sa rekomendasyon ni Department of Justice Secretary Leila de Lima na dapat na siyang suspendihin dahil sa mga kasong kinasangkutan nito kaugnay sa illegal na pag-takeover sa Stradcom building noong nakaraang taon.
Binasag ni Torres ang kanyang pananahimik nito at nagpahayag na pikon talaga siya sa DOJ dahil sa pagkakadawit nito sa intra-corporate dispute ng Stradcom officials.
Samantala, nagkakaroon na rin ng mga spekulasyon sa transport sector na si de Lima ngayon ang puntirya ni Torres at hindi umano malayo na magaya siya kay dating DOTC Secretary Ping de Jesus na nag-resign dahil daw kay Torres.
Ayon naman kay de Lima, walang ginawang mali ang DoJ sa pag-iimbestiga nito dahil isinumite lamang nila ang kanilang rekomendasyon sa DoTC at ginawa lamang umano nila ang kanilang trabaho.