^

Bansa

43-anyos binoga ng riding-in-tandem

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sugatan at kasalukuyan pang inoobserbahan sa Tondo General Hospital ang isang 43-anyos na lalaki matapos pagbabarilin habang naglalakad ng riding-in-tandem na pinaniniwalaang mga holdaper sa Road 10 Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Armen de Leon, ng Gulod St., Tugatog, Meycauayan, Bulacan. Blangko pa ang awtoridad sa pagkikilanlan ng mga suspect at motibo sa krimen.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-5:45 ng hapon nitong Linggo nang ang biktima umano ay patungo sa sakayan ng dyip nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem at tinangkang agawan ng bag ang biktima ngunit nang nanlaban ito ay binaril sa katawan at saka iniwan.

Nabatid sa pulisya na madalas na ang pag-atake ng holdap ng riding-in-tandem sa lugar, na hindi pa umano nadarakip.   

vuukle comment

ARMEN

BLANGKO

BULACAN

GULOD ST.

LINGGO

MAYNILA

MEYCAUAYAN

NABATID

SUGATAN

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with