De Jesus napilitang mag-resign dahil sa utos ni PNoy - Lagman
MANILA, Philippines - Ibinunyag ni House Minority Leader Edcel Lagman na hindi ang kalusugan ni DOTC Secretary Ping de Jesus ang pangunahing dahilan kung bakit ito nagbitiw sa kanyang tungkulin kundi ang ipinagagawa umano dito ni Pangulong Benigno Aquino III na baguhin ang naunang rekomendasyon ng sekretaryo hinggil sa isyu ng IT provider ng Land Transportation Office (LTO).
Sinabi ni Rep. Lagman, na inuutusan umano ni Aquino si de Jesus na baguhin ang kanyang naunang rekomendasyon para tapusin na ang kontrata ng Stradcom sa LTO.
Ayon kay Lagman, nakakuha umano siya ng memoradum para kay Aquino na sulat ni de Jesus tungkol sa Stradcom deal na isang malaking kalugihan sa pamahalaan ang mangyayari kapag pinatapos ang nasabing kontrata.
Sinabi pa ni Lagman, hindi dapat hayaan ni Aquino na ma-terminate ang kontrata ng Stadcom sa LTO dahil kapag nangyari ito babalik sa manual operation ang nasabing ahensiya.
- Latest
- Trending