MANILA, Philippines - Natamo ng Sagittarius Mines, Inc.’s (SMI) Interactive Mining Information Center (iMIC) sa Tampakan Copper-Gold Project ang Bronze Award for Best Public?Relations Initiated Campaign sa UA&P Tambuli Awards para sa taong 2011.
Isang multimedia display ang iMIC na naglalayong ipabatid sa mga bibisita ang gamit ng mga mineral sa ating pang-araw-araw na buhay, ang siklo sa buhay ng?minahan gayundin ang mga benepisyo ng makabago at responsableng pagpapaunlad ng mga minahan.
Ayon kay Mark Williams, general manager for Operations and External Relations ng SMI, gumanap ang iMIC ng importanteng papel sa aktibidad pangkomunikasyon ng kompanya kaugnay ng panukalang Tampakan mining operation.?“Ginamit ng iMIC ang unang holographic technology sa bansa at naiprisinta ang pag-iisipang mabuti na ‘Buhay nang walang Pagmimina.’ Bukod dito, ang interactive touch screens nito ay nagbigay ng karanasan sa bawat bumisita na nabigyan ng mahalagang impormasyon sa nasusustenahang praktis sa pagpapaunlad na ipinatutupad namin sa Tampakan Project,” ani Williams.?Mula nang ilunsad noong nakaraang Oktubre, mahigit 100,000 katao na ang bumisita at nakaranas ng kakaibang palabas na ito ng SMI.