^

Bansa

'Torres 'di dapat ibalik sa LTO'

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hiniling ng transport groups kay Pangulong Noy­noy Aquino na huwag na nitong ibalik sa Land Transportation Office ang nagbabakasyong si LTO Chief Virginia Torres.

Ayon kay Zeny Maranan, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), hindi na dapat pang maibalik si Torres sa LTO upang hindi na mapahiya pa ang Pangulo.

Isa umano si Torres sa sinasabing dahilan ng pagsadsad ng rating ni Aquino dahil sa mga kinasasangkutan nitong kontrobersiya sa Stradcom Corp., ang IT provider ng LTO, nang kampihan ang Sumbilla group sa pag-takeover sa naturang kumpanya noong December 2010, sa plano nitong ibalik sa manual operation ang LTO at mga kaso ng pagrerehistro ng sasakyan na kulang ang dokumento noong Tarlac chief pa ito ng LTO.

Kinondena rin ni Maranan ang pahayag ni DOJ Secretary de Lima na hindi siya makakapagdesisyon sa kaso ni Torres at tanging  ang Pangulo lamang ang dapat magdesisyon dito dahil isa itong presidential appointee gayong sakop ng DOJ ang kaso ni Torres kayat nasa jurisdiction anya ng DOJ na madisiplina si Torres.

Sinabi naman ni Atty. Ra­quel Desiderio, DOTC un­der­ secretary at dating OIC ng LTO, hindi pa maaaring bumalik sa puwesto si Torres dahil hindi pa naiimbestigahan ng Malacañang ang gross negligence sa Stradcom affair na una nang inerekomenda ng DOJ at DOTC.

vuukle comment

AQUINO

CHIEF VIRGINIA TORRES

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PANGULO

PANGULONG NOY

STRADCOM CORP

TORRES

TRANSPORTATION OFFICE

ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with