18-anyos Pinoy, 'world's shortest man' ng Guinness!

MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ng Guinness Book of World Records ang isang 18-anyos na Pinoy bilang pinakamaliit na tao sa buong mundo.

Si Junrey Balawing, tubong Sindangan, Zamboanga del Norte ay ganap nang napasama sa Guinness Book matapos siyang opisyal na ideklara ni Guinness editor-in-chief Craig Glenday bilang “world’s shortest man”.

Sa rekord, si Bala­ wing ay may taas na 23.6 inches (59.7 centimeters) at may timbang na 5 kilograms.

Ang taas ni Bala­wing ay ikinumpara sa mga bote ng softdrinks at ibang mga bagay at itinuturing na mas maliit kumpara sa dating title holder ng world’s shortest man na si Khagendra Thapa Megar ng Nepal na may 26.4 inches (67 centimeters) ang taas.

Si Balawing na nagdaos ng kanyang ika-18 kaarawan kahapon ka­sa­bay ng anunsyo na siya ang pinakamaliit na tao sa buong mundo ay panganay sa tatlong ka­patid na sina Jaycel, 13, Jeanritch, 6 at Jay-art, 11. Siya ay nakalalakad subalit hirap na tumayo nang matagal.

Laking tuwa at pagmamalaki ng mga magulang ni Balawing na sina Reynaldo at Concepcion sa bagong titulo ni Junrey na sinasabing hindi na lumaki simula nang iselebra ang kanyang unang taong kaarawan.

Show comments