^

Bansa

Rabusa hinamon

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinamon ng mga retirado at aktibong miyembro ng militar si retired Col. George Rabusa na huwag gawing panang­galang ang witness pro­­tection program ng gob­yerno at harapin ang mga posibleng kaso na isasampa sa kanya base na rin sa kanyang mga na­ging pahayag.

Naniniwala ang mga opisyal na idinawit ni Ra­busa sa kasong pandarambong, na kung may ka­rapatan si Rabusa na ipursige at patunayan ang kanyang mga akusasyon ay dapat din siyang pu­ma­yag na sumailalim sa pag­lilitis upang mabigyan ng kredibilidad at bigat ang kanyang mga bintang.

Ito’y magiging posible lamang anya kung papayag si Rabusa na umalis sa protection ng pamahalaan bilang state witness.

“If he really has a meat and believes in his accusations, he should not hide behind the cloak of a state witness. This way, we could also challenge him, respond to his charges, and allow us to seek legal remedy against his claims,” pahayag ng isa sa mga opisyal na idi­nemanda ni Rabusa na humiling na huwag ng bang­gitin ang kanyang pangalan.

Nang lumantad sa Senado si Rabusa at isiwalat ang kanyang nala­laman sa umano’y kurapsiyon sa AFP ay hiniling nito na isailalim siya sa witness protection program na naging dahilan upang siya’y maging state witness.

Kamakailan ay inami­yendahan ni Rabusa ang isinampang kaso nito laban sa ilang opisyal ng AFP, sa Department of Justice kung saan isinama nya sa listahan bilang mga respondents ang lima pang indibidwal kabilang na si dating Army 10th Infantry Division chief Ernesto Boac, na kasalukuyang as­­sistant secretary for comptrollership ng Department of National Defense (DND). 

Una nang sinabi ng AFP sa pamamagitan ni spokesman, Commodore Miguel Rodriguez, na itutulak ng institusyon ang pag-iimbestiga at pagsa­sampa ng demanda, kung kinakailangan, sa mga opis­yal na kabilang sa mga sinampahan ng kaso sa DOJ at iba pang korte.

Naniniwala ang mga opisyal ng military na hindi dapat payagang hindi panagutan ni Rabusa ang kanyang mga nagawang kasalanan noong siya’y nasa serbisyo pa.

Noong Oktubre 2004, nagsampa ng kaso ang Office of the Ombudsman laban kay Rabusa kabilang dito ang dishonesty; grave misconduct; conduct unbecoming a public officer; perjury; at violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

COMMODORE MIGUEL RODRIGUEZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

ERNESTO BOAC

GEORGE RABUSA

RABUSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with