^

Bansa

FBI nag-donate ng high-tech machines sa NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Upang mas mapalakas pa ang pag-uugnayan at pagpapalitan ng mga impormasyon partikular sa paghabol sa masasamang elemento at paglaban sa global terrorism, nakatakdang magbigay ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa National Bureau of Investigation (NBI) ng automated fingerprint identification system (AFIS) machines.

Aminado si NBI Director Magtanggol Gatdula na ku­lang sa badyet ang NBI kaya hindi kayang bumili ng equipments o ang AFIS machines na itinuturing na pinakamalakaing biometric data base sa mundo.

Hindi man alam ang halaga ng nasabing machine, ikinumpara na lamang ito ni Gatdula sa SSS biometric machines na nagkakahalaga na umano ng P1 bilyon.

Batay sa FBI website, ang AFIS ay nagsisilbing national fingerprint at criminal history system na maasahan sa loob ng 24 oras, 365 na araw para tumulong sa pagresolba ng mga krimen at bago pa maganap ang krimen at gamit din sa pagdakip ng mga kriminal at mga terorista. Makukuha din sa AFIS ang criminal histories o record, mug shots, peklat at tattoo photos, height, weight, kulay ng buhok, mata maging ang mga ginamit na alyas.

Magagamit umano ang AFIS sa NBI clearance, kung saan nasa 12 milyon ang kumukuha nito taun-taon.

Sa kasalukuyan, may 39 milyong ‘unclassified fingerprint cards’ ang nakaimbak sa NBI na dapat maisalang sa AFIS.

AFIS

AMINADO

BATAY

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

GATDULA

MAGAGAMIT

MAKUKUHA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with