Negosyo ni Rolito Go nabisto
MANILA, Philippines - Nadiskubre sa isinagawang ocular inspection sa New Bilibid Prison (NBP) na ang lending business umano ni convicted killer Rolito Go ay 100 metro lamang ang layo sa penitentiary compound.
Isa si Marikina Rep. Miro Quimbo sa mga mambabatas na nagsagawa ng ocular inspection sa NBP kamakailan at kanyang nadiskubre na ang Prime Consortium and Finance Corp. (PCFC) ay pag-aari ng pamilya ni Go.
Nauna rito, ibinunyag ng pamilya ng road rage victim na si Eldon Maguan na si Go ay kabilang sa nabigyan ng “living out” privileges dahil sa ginagawa nitong 5-6 loan scheme sa loob ng bilibid kung saan ilang NBP officials at jail guards ang kabilang umano sa mga umuutang sa kanya. Si Go na naiulat na mayroong colon cancer, ay nag-umpisang maging living out inmate noong March 2008 kahit hindi pa siya kuwalipikado sa ilalim ng manual ng Bureau of Correction (BuCor), ayon mismo kay Rosario Maguan, ina ni Eldon.
Ayon naman kay Inspector Eugene Ciruela, deputy chief ng BuCor special investigation team, Minsan na umano siyang nakapunta sa opisina ni Go para mag-inquire kung puwede siyang mag-loan subalit sinabi sa kanya ng isang staff nito na kakaalis lamang ni Go.
Ang mga ilegal at unregistered bigtime businesses tulad ng 5/6 scheme, drugs, prostitution at gambling ay kabilang sa mga iregularidad sa loob ng NBP, ayon sa mga mambabatas na nag-inspection.
- Latest
- Trending