Reso vs 'KKK' ni PNoy itutulak sa Kamara
MANILA, Philippines - Isang resolusyon ang itutulak ng minority bloc sa Kamara para kuwestiyunin at imbestigahan ang appointments ng tinaguriang “Kabarkada”, “Kaklase” at “Kabarilan” (KKK) ng Pangulong Noynoy Aquino.
Sinabi nina House Minority leader Edcel Lagman at Deputy Minority leader Mitos Magsaysay, dapat payagan ng Palasyo ang mga appointees ni Aquino na dumalo sa Kongreso para sagutin ang mga alegasyon na ibinabato sa kanila.
Nauna nang inihayag ng mga kaalyado ng Pangulo sa Kamara na dapat ay sa tamang lugar imbestigahan ang umano’y mga anomalya at ito ay sa korte at hindi sa Kongreso.
Kinontra naman ito ni Lagman at sinabing ang prosecution at legislation ay magkabukod dahil ang prosekusyon ay isang proseso laban sa isang indibidwal samantalang ang congressional investigations in aid of legislation ay para makapagbuo ng batas para i-cover ang general application.
Kabilang sa mga itinalaga ni P-Noy na nais ng minorya na maimbestigahan ay sina DILG Undersecretary Rico Puno, on leave LTO head Virginia Torres, Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., Finance Secretary Cesar Purisima at PCSO chairperson Margarita Juico.
- Latest
- Trending