MANILA, Philippines - Mariing itinanggi ni Senate President Juan Ponce Enrile ang kumakalat na ulat na may dagdag silang P100 milyong pork barrel sa bawat senador na bumoto para sa pagpapaliban ng ARMM elections.
Sinabi ni Sen. Enrile, sinungaling ang nagpapakalat ng malisyosong tsismis na ito kapalit ng kanilang pagsuporta sa postponement ng ARMM elections.
Wika pa ni Enrile, handa siyang magbigay ng P1 milyon o P2 milyon sa sinumang makakapagpatunay na tumanggap ang mga senador na bumoto para sa postponement ng ARMM elections ng karagdagang pork barrel.
“That’s a falsity and whoever said that is a liar. If they can show me that we got even one million or two million, I will give it to him. It’s unfair to us,” ani Enrile.
Dapat aniyang magtiwala ang mga mamamayan sa mga inihalal nilang opisyal dahil kung wala na ang tiwala ay mas makakabuting buwagin na lamang ang Republika.