^

Bansa

AGAP sa DA: Tulungan ang biktima ng 'fish kill'

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Umapela kahapon si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa Department of Agriculture na tulungan nito ang maliliit na may-ari ng palaisdaan na tinamaan ng ‘fish kill’ sa Batangas at Pangasinan.

Sinabi ni Rep. Briones, 2 grupo na miyembro ng AGAP ang tinamaan ng fish kill na dapat lamang tulungan ng DA upang makabawi sila sa matin­ding pagkalugi.

Ang 2 grupo ay ang Taal Lake Aquaculture Alliance at Feed Millers Association na pawang miyembro ng AGAP.

“Nakikiusap ako sa DA na gawan ng mabilis na aksyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan para muling makabangon ang mga ito sa matinding pagkalugi sanhi ng fish kill,” giit pa ng kongresista.

Hiniling din ni Briones sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na gumawa ng pag-aaral upang hindi na maulit ang fish kill sa susunod na mga taon.

BATANGAS

BRIONES

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FEED MILLERS ASSOCIATION

HINILING

NAKIKIUSAP

NICANOR BRIONES

PARTYLIST REP

TAAL LAKE AQUACULTURE ALLIANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with