Sekyu ng BSP ikinadena ang sarili sa Senado
MANILA, Philippines - Isang security officer ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ikinadena ang sarili sa tapat ng Senado upang maaksyunan ang kanyang reklamo.
Nangyari ang insidente dakong alas-11 ng umaga habang busy ang mga senador sa apat na magkakahiwalay na hearing sa ikalawang palapag ng Senado.
Nakilala ang suspek na isang Jesus Tacata na diumano’y isang security officer ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nais paimbestigahan kay Sen. Chiz Escudero ang ipinapatupad na salary structure sa BSP simula noong 2005 na para sa kanya ay lugi silang rank and file employees.
Talo umano sa nasabing Salary Structure ang mga rank-and-file employees dahil “8 steps increase” ang ibinigay sa mga opisyal ng BSP pero “one step” lamang para sa mga rank-and-file, ayon kay Tacata.
Kinailangan pang gamitan ng lagareng-bakal ng mga taga Office of the Seargeant-at-Arms (OSSA) upang maputol ang kadenang ginamit ni Tacata sa pagtali sa kaniyang sarili upang hindi kaagad makaladkad palabas ng gate.
- Latest
- Trending