Muro-ami gamit sa pangunguha ng black corals - DENR
MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Environment Secretary Ramon Paje na gumagamit ng mga batang “Muro-ami” ang grupo na ilegal na nangongolekta ng black corals sa bansa.
Humarap kahapon si Paje sa hearing ng Senate Committees on environment and natural resources, agriculture, finance, climate change at local government kaugnay sa nasakoteng black corals na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.
Sinabi ni Paje na maituturing na bagong “muro-ami” ang pangongolekta ng mga bata ng mga black corals na sumisisid sa ilalim ng dagat upang magkapera.
“The collection of these seashells and black corals is now the new muro-ami,” pahayag ni Paje.
Sinabi pa ni Paje na hindi nakakapagtakang ginagamit ang mga bata sa pangunguha ng sea shells at black corals lalo na sa Tawi-Tawi at Sulu dahil magagaling na divers ang mga ito at kayang tumagal ng 20 minuto sa ilalim ng dagat.
- Latest
- Trending