MANILA, Philippines - Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) Act upang maging ganap na batas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang GOCC Governance Act of 2011 ay magpapatupad ng rationalization ng salaries at benepisyo ng mga opisyal at empleyado ng GOCC’s.
Samantala, sinabi naman ni DBM Sec. Butch Abad na mayroon na ngayong kapangyarihan si Pangulong Aquino na rebyuhin, buwagin, palitan ang mga opisyal sa mga GOCC’s lalo ang mga non-performing agencies.
Nagpasalamat naman si Pangulong Aquino kina Speaker Sonny Belmonte at Senate President Juan Ponce Enrile gayundin sa mga kongresista at senador na nagsulong ng nasabing batas sa Kongreso.
Samantala, wala ng dapat ipag-alala ang taumbayan sa pagkakaroon ng malalaking allowances at maluluhong benefits ang mga official ng GOCC’s.
Dahil ditto, mas higit na mapapakinabanagn ng mamamayan ang anumang matitipid na gastusin sa mga GOCC’s at GFI’s bilang dagdag pondo sa paghahatid ng serbisyo sa publiko.