^

Bansa

DOJ panel mas pinalakas vs Ampatuans

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Mas pinalakas pa ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang panel of prosecutors na may hawak sa Maguindanao massacre case bilang tugon sa panawagang madaliin ang proseso ng kaso gayundin ang pagharap ng testigo at ebidensiya.

Batay sa direktiba ni Justice Secretary Leila de Lima, gagawing 12-man panel ang dating 10-man panel.

Idadagdag sa grupo sina Asst. State Prose­cutor Olivia Torrevillas at prosecuting lawyer Aristotle Reyes.

Inaasahan ng DoJ na mas magiging epektibo ang isang dosenang abogado para humarap sa panig ng mga Ampatuan na pangunahing itinuturong nasa likod ng pagpatay sa 58 indibidwal, kasama na ang mahigit 30 mamamahayag.

Magugunitang nagkaroon ng sigalot ang mga piskal ng DoJ at abogado ng mga Ma­ngudadatu kaya pinalitan ni de Lima ang mga miyembro ng nasabing lupon.

Handa naman ang panel para sa marathon hearing upang matapos na ang kontrobersyal na kaso.

AMPATUAN

ARISTOTLE REYES

BATAY

DEPARTMENT OF JUSTICE

HANDA

IDADAGDAG

INAASAHAN

JUSTICE SECRETARY LEILA

OLIVIA TORREVILLAS

STATE PROSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with