Manila, Philippines - Kinasuhan sa Department of Justice ang consignee sa mga black corals na nasabat sa lungsod ng Maynila noong nakaraang buwan kaugnay ng paglabag sa section 91 ng Republic Act 8550 o mas kilala bilang Fisheries Code of the Philippines at section 27 ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.
Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, kay Exequiel Navarro, sinampahan din ng kaso sina Olivia Lim Li, may-ari ng Zamboanga based Li and Lim Trading na itinuturong nasa likod ng mga kontrabando; Kim Atillano, may-ari ng Zamboanga based JKA Transport System na ginamit sa pagbiyahe ng mga black corals at Ireneo Penuliar, kasama ang iba pa na mga nagtatrabaho naman sa JKA Manila branch.
Batay sa assessment ng BoC, aabot ng P35 milyon ang halaga ng black corals at endangered marine species na nasamsam ng mga otoridad mula sa kostudiya ng mga respondent.
Sinabi pa ni Alvarez, maituturing na attempted smuggling na rin ang insidente at hindi lamang natuloy kaya may iba pang mga reklamong posibleng kaharapin ang mga taong may kinalaman sa nasabing transaksyon.