^

Bansa

Mga sundalong Kano na napatay sa Phl noong WW2 huhukayin

- Ni Ellen Fernando -

Manila, Philippines - Lumagda kahapon sa isang kasunduan ang Pilipinas at Estados Unidos na naglalayong marekober ang mga sundalong Amerikano na nagbuwis ng buhay o napaslang noong World War 2 sa bansa.

Pinangunahan nina Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario at US Ambassador to Manila Harry K. Thomas Jr. ang paglalagda ng “Statement of Intent” (SOI).

Sa ilalim ng SOI, ang US Joint POW/MIA Accounting Command kasama ang Department of National Defense ay magsasagawa ng joint missions upang makuha ang mga bangkay o labi ng mga American soldiers na napaslang sa Pilipinas noong kasagsagan ng WW2.

Kabilang sa misyon ang pananaliksik, imbestigasyon, pagtunton at pagkilala sa mga American military personnel.

Bibigyan din ng pagkilala ang lahat ng mga sundalong Amerikano at Pinoy na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para ipagtanggol ang bayan at upang idepensa ang kalayaan ng bansa noong Ikalawang Digmaan.

ACCOUNTING COMMAND

AMERIKANO

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SEC

IKALAWANG DIGMAAN

MANILA HARRY K

PILIPINAS

STATEMENT OF INTENT

THOMAS JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with