^

Bansa

Serye ng intrusyon ng China sa Spratly wake-up call sa modernisasyon ng AFP

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Dapat magsilbing wake-up call sa pamahalaan upang madaliin ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sunud-sunod na intrusyon ng China sa pinag-aagawang Spratly Islands sa South China sea.

“One of the major thrust ni Defense Secretary Voltaire Gazmin is  to expedite procurement for equipment needed for modernization and capability upgrade of AFP in terms of new development, it is an eye opener,” pahayag ni Defense Undersecretary Eduardo Batac.

Ginawa ni Batac ang pahayag kasunod ng pagkakabulgar kamakalawa hinggil sa pamamaril ng Chinese warship 560 sa bangka ng mga mangi­ngisdang Pinoy noong Pebrero 25 sa karagatang nasasakupan ng Jackson atoll, isa sa mga islang inaangkin ng Pilipinas sa Spratly Islands na higit na mas malapit sa teritoryo ng bansa.

Nadiskubre naman ng militar na ang nasabing Chinese warship na tatlong beses nagpaputok sa bangkang pangisda ng mga Pinoy na F/V Jaime DLS,F/V Mama Lydia DLS at F/V Maricris 12 ay natukoy na Chinese warship Dongguan, isang Jianghu-V Class missile frigate.

Samantalang noong Marso ay hinarass rin ng Chinese vessel sa karagatan ng Reed Bank ang research vessel ng Department of Energy (DOE) habang patuloy rin ang intrusyon sa lugar.

Nabatid na ang Jackson atoll ay isang hugis singsing na coral reef na may lagoon na nasasaklaw ng 200 nautical miles na Exclusivee Economic Zone sa bahagi ng Kalayaan Island Group (KIG) na sa ilalim ng batas ng Pilipinas ay bahagi ng teritoryo ng bansa.

Ang Spratly Island na mayaman sa depositong mineral at langis ay pinag-aagawan ng mga bansang Malaysia, Brunei, Taiwan, Vietnam, Pilipinas at China na pinakamapangahas at mas maraming inaangking teritoryo.

Tiwala naman ang opisyal na susunod ang China sa Code of Conduct sa Spratly Islands upang maiwasan ang sigalot sa pagitan ng mga bansang nag-aagawan dito kung saan sa kabila ng limitado ang kapabilidad ng AFP ay dapat palakasin pa ang pagpapatrulya dito.

ANG SPRATLY ISLAND

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CODE OF CONDUCT

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DEFENSE UNDERSECRETARY EDUARDO BATAC

DEPARTMENT OF ENERGY

EXCLUSIVEE ECONOMIC ZONE

JIANGHU-V CLASS

PILIPINAS

SPRATLY ISLANDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with