Manila, Philippines - Bagama’t ‘genuine’ ang passport ni Hubert Webb, hindi pa rin ito ligtas kaugnay ng isinasagawang re-investigation sa Vizconde massacre.
Ito ang paniniyak ni Justice Secretary Leila de Lima dahil ang nasabing dokumento ay hindi naman nagpapatunay na hindi umalis ng bansa si Webb.
“It is not as yet proof of Hubert Webb’s non-involvement or innocence,” ani de Lima.
Ayon kay de Lima, may dalawang bagong suspect na sangkot sa pamamaslang sa mag-iinang Estrelita, Carmela at Ann Jennifer noong Hunyo 30, 1991. Aniya, ang lahat ng mga indikasyon ay nasa dalawang mga suspect na ang isa ay nasa bansa habang ang isa naman ay nasa Amerika.
Samantala, wala naman balak na makipagtulungan ang dating state witness na si Jessica Alfaro sa re-investigation ng Vizconde massacre.
Nakatakda naman sa susunod na linggo ang case conference habang kinukumbinsi pa ng mga imbestigador ang mga testigo na magbigay ng kanilang sworn statements at sumailalim sa polygraph test.