^

Bansa

Hubert 'di pa ligtas sa Vizconde case - DOJ

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Bagama’t ‘genuine’ ang passport ni Hubert Webb, hindi pa rin ito ligtas kaugnay ng isinasagawang re-investigation sa Vizconde massacre.

Ito ang paniniyak ni Justice Secretary Leila de Lima dahil ang nasabing dokumento ay hindi naman nagpapatunay na hindi umalis ng bansa si Webb.

“It is not as yet proof of Hubert Webb’s non-involvement or innocence,” ani de Lima.

Ayon kay de Lima, may dalawang bagong suspect na sangkot sa pamamaslang sa mag-iinang Estrelita, Carmela at Ann Jennifer noong Hunyo 30, 1991. Aniya, ang lahat ng mga indikasyon ay nasa dalawang mga suspect na ang isa ay nasa bansa habang ang isa naman ay nasa Amerika.

Samantala, wala naman balak na makipagtulungan ang dating state witness na si Jessica Alfaro sa re-investigation ng Vizconde massacre.

Nakatakda naman sa susunod na linggo ang case conference habang kinukumbinsi pa ng mga im­bestigador ang mga testigo na magbigay ng kanilang sworn statements at sumailalim sa polygraph test.

AMERIKA

ANIYA

ANN JENNIFER

AYON

BAGAMA

HUBERT WEBB

JESSICA ALFARO

JUSTICE SECRETARY

VIZCONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with