^

Bansa

PNoy 'di na masaya sa Customs chief?

- Ni Rudy Andal -

BANDAR SERI BEGAWAN, Brunei (via PLDT/Smart) - Ipinahiwatig ni Pangulong Aquino na hindi na siya masaya sa performance ni Customs chief Angelito Alvarez.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa mediamen na kasama nito sa 2-day state visit dito, ikinagulat niyang BIR pa ang sumalakay sa mga stalls na nagbebenta ng mga smuggled goods sa 168 Mall sa Divisoria, Maynila.

Wika pa ni PNoy sa ‘coffee with the media’, trabaho ng Customs na bantayan ang mga kontrabando na pumapasok sa bansa pero nakalusot ang mga ito. Nabigo din umano si Alvarez na maabot ang target collections ng BoC sa buwan ng Mayo.

Umugong ang tsismis na isa si Alvarez sa posibleng masibak sa gagawing revamp ni Aquino.

Kabilang sa posibleng pumalit kay Alvarez sina dating BIR chief Liwayway Vinzons-Chato at dating Cagayan Valley Rep. Manuel Mamba na pawang kapartido ni Aquino sa Libe­ral Party. Umugong din ang pangalan ni dating BoC chief Guillermo Parayno.

ALVAREZ

ANGELITO ALVAREZ

AQUINO

BRUNEI

CAGAYAN VALLEY REP

GUILLERMO PARAYNO

LIWAYWAY VINZONS-CHATO

MANUEL MAMBA

PANGULONG AQUINO

UMUGONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with