^

Bansa

Paniningil ng miscellaneous fees rerendahan

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi na papayagan ang paniningil ng mga kuwestiyunableng miscellaneous fees ng mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Inimbestigahan kaha­pon ng Senate committee on education, arts and culture ang reklamo ng mga magulang sa hindi umano makatuwirang paniningil ng kung anu-anong miscellaneous fees katulad ng  band fee,  resumè printing fee, at maging thesis.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raymond Palatino, hindi makataru­ngan at kaduda-duda ang mga nasabing fees na hindi nasisilip ng CHED.

Kaugnay nito, sinabi ni  CHED Executive Director Julito Vitriolo na bumalangkas na sila ng regulasyon o framework upang mamonitor ang mga kuwestiyonableng miscellaneous fee na inirereklamo ng mga ma­gulang at estudyante.

“Under sa binaba­ langkas na regulasyon o framework, siguro magkakaroon ng pro­seso ng monitoring at saka reporting para makita natin, mapag-aralan kung legitimate ba ang fees na ito,” sabi ni  Vitriolo.

Sa binabalangkas umano nilang regulasyon, sampung item na lamang ang maituturing na miscellaneous fees, kabilang na dito ang re­gistration, medical and dental, athletic fees, library fee at iba pa.

Pag-aaralan pa rin umano kung papayagang singilin sa mga  estudyante ang ‘aircon fee’ para sa mga paaralan na may air-conditioned classrooms.

Sinabi ni Vitriolo na ang ibang miscellaneous fee na wala namang ki­nalaman sa pag-aaral ng estudyante ay kanilang ipatatanggal.

Ayon kay Vitriolo, ang mga magulang at estudyante ay maaring tu­mawag sa telephone number 4411216 kung may reklamo sila sa mga hindi makatuwiran na miscellaneous fees.

AYON

EXECUTIVE DIRECTOR JULITO VITRIOLO

FEE

FEES

HIGHER EDUCATION

INIMBESTIGAHAN

RAYMOND PALATINO

SHY

VITRIOLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with