^

Bansa

Solon kay PNoy: Subukan mong mag-asawa

Nila - Gemma Garcia at Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng isang kongresista si Pangulong Noynoy Aquino na subukang mag-asawa muna upang malaman ang kahalagahan ng diborsyo.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colme­nares na walang asawa ang pangulo  kaya hindi nito ramdam at nararanasan  ang hirap at hindi pagkakaunawaan  ng mga mag-aasawa kaya hindi nito prayoridad ang divorce bill.

Dahil sa kawalan ng karanasan sa pag-aasawa, pinayuhan na lamang ni Colmenares na subukan munang mag-asawa ng Pangulo upang malaman ang ka­halagahan ng diborsyo at ng sa gayun ay ma- intindihan nito ang pa­ngangailangan ng natu­rang panukala para sa nagkakalabuang pagsasama.

Dagdag pa ng mam­babatas, wala din intensyon  na kalabanin ng nasabing panukala ang simbahan dahil pangunahing layunin naman nito ay ang matulu­ngan ang mga asawang naaabuso na kumawala sa hindi magandang re­lasyon.

Kaugnay nito puma­lag naman  si Gabriela Partylist Representative Luzviminda Ilagan sa pagkwestiyon ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanilang motibo sa pagsusulong ng Divorce Bill.

Nauna nang iniha­yag ng Pangulo  na hindi prayoridad ng kaniyang administrasyon ang pag­sasabatas ng Divorce Bill at kinuwestiyon din nito ang motibo ng mga proponent ng naturang panukalang batas at duda kung sinsero ba ang intensyon ng mga ito o nais lamang na pa­lalain pa ang giyera sa pagitan ng gobyerno at simbahan katoliko.

Buwelta ni Ilagan, 13th Congress pa nang naihain ang Divorce Bill at nagkataon lamang na ngayon lamang 15th Con­ gress nai-kalendaryo ang pagdinig.

Paliwanag ng kongresista, hindi kasalanan ng Gabriela at iba pang nagsusulong nito na itaon sa pamamahala ni Aquino ang pagtalakay sa panukala.

Iginiit muli kahapon ni Pangulong Aquino na hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagsusulong ng diborsyo sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa mediamen na kasama sa kanyang 2-day state visit sa Brunei mas maraming mahahalagang bagay ang dapat bigyan ng prayo­ridad at hindi ang pagsusulong ng diborsyo.

“Hindi pa nga ako nakakapag-asawa eh, tapos may nagsusulong ng diborsyo,” pagbibiro ng Pangulo sa mga mediamen.

Aniya, hindi dapat madaliin ang prosesong ito bagkus ay dapat patatagin ang relasyon ng pamilyang Pilipino.

BAYAN MUNA REP

DIVORCE BILL

GABRIELA PARTYLIST REPRESENTATIVE LUZVIMINDA ILAGAN

NERI COLME

NITO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with