^

Bansa

Subsidy Card sinimulan nang ipamigay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinimulan na ang pamimigay ng Department of Energy ng mga “fuel subsidy smart cards” sa mga lalawi­gan umpisa ngayong Hunyo 3 upang mabiyayaan naman ng ayuda sa krudo ang mga driver at operators ng mga pampublikong jeep at tricycle.

Maaari na rin itong ma­kuha ng iba pang mga driver at operators na may hawak ng mga legal na prangkisa ng mga pampublikong jeep sa lahat ng lalawigan sa kanilang regional of­fices ng Land Transportation Office o Land Transpor­tation Fran­chi­­sing and Regulatory Board (LTFRB).  Magkakaroon rin ng “satellite regional distribution” na ihahayag ng DOE.

Maglalagay naman ng distribution center ang DOE sa SM City Cebu covered terminal para maipamahagi ang Pantawid Pasada cards.

Samantala, inilipat na simula nitong naka­raang Miyerkules ang dis­tribus­yon ng “smart cards” na naglalaman ng P1,100 subsidiya sa gasolina sa mga pampublikong drivers at ope­rators sa compound ng DOE sa Taguig City.

Ayon sa DOE, inilipat na nila ang distribusyon mula sa Camp Crame sa Quezon City sa DOE-Oil Industry Management Bu­ reau (OIMB) compound na nasa Merritt Road, Fort Bonifacio, ng natu­rang lungsod. Mula Hunyo 6, ililipat naman ito sa DOE Audio Visual Room mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Maaari namang tumawag ang mga ope­rators at drivers na may katanungan sa mga telepono bilang: (02) 984-6381; Globe: 0917-5560759; Smart: 0947-3925378; at Sun: 0932-7786494.

AUDIO VISUAL ROOM

CAMP CRAME

CITY CEBU

DEPARTMENT OF ENERGY

FORT BONIFACIO

LAND TRANSPOR

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAAARI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with