9TH DZMM Buntis Congress
MANILA, Philippines - Mahigit 900 na buntis ang nagkaroon ng pagkakataong matuto ng mga dapat at hindi dapat gawin bilang isang ina sa ika-siyam na DZMM Buntis Congress noong May 21 sa SM Megamall Megatrade Hall 1.
Ang mga eksperto mula sa Department of Science and Technology (DOST), Commission on Population (COP), Midwives Association of the Philippines (MAP), National Nutrition Council (NNC) at Food Nutrition Research Institute ay nagbigay ng mga paalala at aral sa nasabing event.
Namigay din ang DZMM ng baby bags at nagpa-raffle ng mga bathroom, bedroom, at recreation showcases.
Sa nakalipas na siyam na taon, nagbibigay ang DZMM Buntis Congress ng libreng seminar upang matulungan ang mga kababaihang alagaan at palaguin ang kanilang kaalaman bilang isang ganap na ina.
Ngayong taon, nagbigay tuon ang naturang seminar sa tamang paraan ng breastfeeding na magsisilbing pundasyon ng kalusugan ng mga sanggol sa kanilang paglaki.
- Latest
- Trending