'1 Billion trees' project ginamit ni Leviste sa VIP treatment
MANILA, Philippines - Ginamit ni dating Batangas Governor Antonio Leviste ang kanyang ‘1 Billion Trees” project upang makakuha umano ng VIP treatment mula sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ito ang nakita ng Department of Justice (DOJ) fact-finding panel kaya’t inilipat ito sa Agro Section na may sleep-out privileges na isang iregularidad dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso.
Dahil dito, naging kampante si Leviste sa sitwasyon kung saan pakiramdam nito ay bahagi na siya ng Bureau of Corrections officials at maaaring makalabas ng kulungan anumang oras niya naisin.
Nabatid sa report ng fact finding na ligtas sa isinasagawang head count sa Minimum Security Compound si Leviste bukod pa sa paglabag sa visiting hours at pamamalagi sa kubo na nasa loob ng NBP.
Batay sa NBP rules and regulations, kailangan na nakikita sa loob ng compound ang preso apat na beses sa loob ng isang araw.
Ngunit sa sitwasyon ni Leviste, ito ang pinupuntahan ng guwardiya sa kanyang kubo at pinapayagan na magreport sa Bilibid Reservation Security Service para sa head count.
- Latest
- Trending