^

Bansa

DOTC Sec. de Jesus nagbitiw

-

MANILA, Philippines - Kinumpirma na ng Department of Transportation and Communications ang ginawang pagbibitiw sa puwesto ni Secretary Jose ‘Ping’ de Jesus.

Mismong si DOTC Undersecretary at spokesman Dante Velasco ang nag-anunsiyo sa pagsusumite ni de Jesus ng irrevocable resignation letter kay Pangulong Aquino noong Lunes at magiging epektibo sa Hunyo 30.

Tiniyak rin ni Velasco na hindi magli-leave of absence si de Jesus at tatapusin nito ang kaniyang trabaho bago tuluyang bumaba sa puwesto.

Tumanggi naman si Velasco na sabihin ang dahilan ng pagbibitiw ni de Jesus, bagamat nilinaw na personal na rason ito at walang kinalaman sa kaniyang kalusugan.

Kinumpirma naman ng Malacañang na tinanggap na ni Pangulong Aquino ang pagbibitiw ni de Jesus pero itinanggi na kaya aalis ito sa Gabinete ay dahil hindi na masaya ang Pa­ngulo sa performance nito at sa isyu ng Stradcom.

Nilisan ni de Jesus ang kaniyang puwesto sa kainitan ng kontrobersiya sa ginawang pag-raid ng mga armadong lalaki sa tanggapan ng Stradcom na siyang IT service provider ng Land Transportation Office (LTO), noong Disyembre 9, 2010.

Posible umanong naiipit si de Jesus sa nag-aaway na dalawang grupo sa LTO kung saan sakaling naglabas ito ng desisyon at hindi sinang-ayunan ng pamahalaan kayat minabuting magbitiw na lamang ito sa pwesto.

Ang naturang raid ay inimbestigahan na ng Department of Justice base na rin sa kahilingan ng DOTC.

Bago naging DOTC secretary si de Jesus ay naging Kalihim rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong panahon ng pamumuno ng yumaong President Corazon Aquino. (Mer Layson/Rudy Andal/)

vuukle comment

DANTE VELASCO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JESUS

KINUMPIRMA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MER LAYSON

PANGULONG AQUINO

PRESIDENT CORAZON AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with