^

Bansa

350,000 OFWs mawawalan ng trabaho sa Saudi!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Nanganganib na mawalan ng trabaho ang may 350,000 overseas Filipino workers sa Saudi Arabia matapos ianunsiyo ng Labor Ministry ng Saudi na hindi na ire-renew pa ang mga kontrata o employment contract ng mga dayuhang manggagawa kabilang na ang milyong Pinoy workers na nagtatrabaho at nanatili sa Saudi ng anim (6) na taon.

Sinabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, isang seryosong usapin ang bagong patakaran ng Saudi sa mga manggagawang dayuhan kung saan prayoridad nila ngayon na mabigyan ng trabaho ang mga Saudi nationals.

Sa ilalim ng Saudization ay kailangang mag-employ o tumanggap ng mga empleyado o manggagawang Saudi nationals ang mga foreign, private at locally owned companies sa Saudi.

Ang Saudization na nagbibigay ng prayoridad sa  mamamayan ng Saudi na walang trabaho ay nabigong maimplementa ng Saudi Labor Ministry matapos na maisabatas ito may 5 taon na ang nakalilipas.

Sa datos ng Migrante, mula sa 1.2 milyong Pinoy na nagtatrabaho sa natu­rang bansa ay 60% dito ay mga nare-hire at 40% o 350,000 OFWs ang may 6-taon nang nagtatrabaho na inaasahang maapektuhan sa “6-yr. work permit cap” na ipinatutupad ng Saudi.

May 10 milyong dayuhang manggagawa ang nasa Saudi at ang Pilipinas ang may pinakamala­king bilang ng mga manggagawa doon na sinundan ng Pakistan, Bangladesh at iba pang bansa.

Bukod sa Saudi, ipinatutupad na rin sa Korea at Japan ang limitasyon sa pagtanggap at pananatili ng mga manggagawang Pinoy at iba pang foreign workers.

ANG SAUDIZATION

BUKOD

JOHN LEONARD MONTERONA

LABOR MINISTRY

MIGRANTE-MIDDLE EAST

PINOY

SAUDI

SAUDI ARABIA

SAUDI LABOR MINISTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with