^

Bansa

Imported fire trucks kinontra sa Kamara

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinontra ng mga mi­yembro ng House Committee on public order and safety ang planong pagbili ng Power Take Off Imported fire trucks ng Bureau of Fire Pro­tec­tion­ sa ginawang pagdinig kamakailan.

Ayon kina Agham partylist Rep. Angelo Palmones, na siyang naghain ng House resolution 202 na nag-iimbestiga sa Annual Procurement ng ahen­sya at Antipolo 2nd district Rep. Romeo-Acop, dis­advantageous ang na­­tu­rang plano ng Technical Working Group ng BFP, dahil bukod umano sa hindi makatutulong sa eko­nomiya ng bansa, obsolete technology na din umano ang power take-off engines.

Mariin ding kinuwes­tyon ni Camiguin Rep. Pedro Romualdo ang in­tegridad ng nasabing Pro­curement plan ng BFP dahil may aboveboard resolution ang 14th Congress kaugnay ng pricing at specifications sa pagbili ng fire trucks.

Sa nasabing resolus­yon, pinagtibay ng BFP ang nauna nilang specifications kung saan angkop at nararapat ang dual-engine fire trucks. Ki­na­tigan din ng nasabing findings na pinangunahan ng House committee on good government, ang pagbili ng BFP ng mga fire trucks mula sa isang local manufacturer dahil bukod sa lifetime warranty na ginagarantiya nito, malaking tulong din ito sa paglikha ng trabaho sa maraming Pilipino.

Puna ni Romualdo, kinokontra mismo ng BFP, sa pa­ngunguna ni BFP Directorate for Logistics Col. Leonides Perez, ang sarili nilang rekomendasyon na tahasang sumasalungat sa modernization program ng ahensya.

May kabuuang 1,887 fire trucks sa imben­taryo ng BFP ngunit 1,467 lamang sa mga ito ang opera­tional at 88 naman ang gumagana mula sa 177 fire truck units na nakatalaga sa National Capital Region.

“Fully operational,” ito naman ang pahayag ni Col. Perez kaugnay sa pag-iimbestiga ni AKO BICOL Rep. Alfredo Garbin Jr. kung kasama sa datos na sira o hindi gumagana ang mga gawang Pinoy fire trucks.

Binanggit din ni Garbin ang nasasaad sa Kons­titusyon na dapat nating protektahan, suportahan at tangkilikin ang gawang Pilipino, kaya labis niyang ipinagtataka ang naturang plano ng BFP na pag-angkat ng imported fire trucks.

Kinuwestiyon naman ni Cebu Cong. Pablo Garcia, chairman ng komite, ang ginawang pagbiyahe umano ng ilang opisyal nito sa Thailand sa imbitasyon na rin ng isang fire truck manufacturer duon.  Ayon naman kay Palmones, kahina-hinala ang naturang pagbiyahe dahil­ wala namang notice of award na naipagkaloob sa naturang supplier.

ALFREDO GARBIN JR.

ANGELO PALMONES

ANNUAL PROCUREMENT

AYON

BFP

BUREAU OF FIRE PRO

CAMIGUIN REP

FIRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with